Tulog sa Larawan
Posted by Indignus Vernula on June 19, 2007
Isang maiksing blog….
Sana
Hindi naman maaalis sa pikchuran ang mga taong kakaiba. May nakatunganga, may mga hindi nakatingin sa camera, may mga tinulak, may mga napilitan, may mga pakyut at may mga sadyang kyut, at syempre… mga nakapikit sa pictures!
Kahit saan laganap yan, as in sa buong mundo! Ewan ko ba… I just want this to get out of my chest. Nasisilaw ba sila sa flash ng camera? Masyado ba maliwanag? Puyat ba sila? O trip lang talaga nila?
Diba nakakainis yung ganun? Lets say ikaw yung nakapikit sa picture! Then lets say prom niyo… ang saklap diba? Suot mo ay purmal, tapos nakapikit sa picture. Ganun din sa mga class pictures. As in kahit saan.
What’s my point? Wala.
Kung bakit ba naman kasi nagpahuli ka? Bumibilang naman ng 1-2-3 yung kumukuha ng picture pero bakit nakapikit ka pa din? Ang masama ay nakuhaan ka pa na nagpapapula ng labi. Ang panget nun~ dyahe!!! Nakapikit ka na nagpapakyut ka pa!
