Indignus Vernula

I remain another unworthy servant…

  • Add to Technorati Favorites

Archive for the ‘Tagalog’ Category

Alamat ng Kalabaw, Sari-Sari, Atbp… Isa na namang “random” post.

Posted by Indignus Vernula on October 13, 2007

Feeling ko bisita ako dito… well feeling ko lang naman yun. Tinatamad lang talaga ako gumawa ng post. Saka busy din pala ako. Oo, busy talaga ako. Kaya ito nagbabalik akong muli. Teka bakit ba ganyan ang title nito?

Alamat ng kalabaw… etong sa ‘yo kung sino ka man na naghahanap ng alamat ng kalabaw!

Noong unang panahon ang balat ng kalabaw ay hindi katulad ng sa ngayon. Ganoon din ang sa baka. Silang dalawa ay mabuting mag-kaibigan. Isang araw, ang kalabaw ay niyaya ng baka na maligo sa isang ilog. Pagdating nila roon, hinubad ang kanilang damit at tumalon sila sa tubig.

Ilang oras ang nakaraan, naalala ng kalabaw na tanghali na at sila ay kailangan ng kanilang amo. Sinabi niya sa kanyang kasama na mabuti pa’y sila ay umuwi na. Ibig na ring umuwi ng baka. Sa kanilang pagmamadali ang damit ng baka ay naisuot ng kalabaw at ang damit naman ng kalabaw ay naisuot ng baka. Hindi nila naalala hanggang naabutan sila ng kanilang amo, at hinabol silang pauwi. Hanggang ngayon hindi pa sila nagpapalitan ng damit.

Ano naman gagawin mo sa alamat ng kalabaw? Sa tuwing nagchecheck ako ng blog stats ko (feeling ko naman ang dami nabisita) eh laging may naghahanap ng alamat ng kalabaw. Sorry na lang dahil hindi ako ang nag-post nun. At sorry rin dahil sa susunod na maghahanap ka ng alamat ng kalabaw ay ako pa rin ang lalabas! Bwahahaha! Hehehe…

Hehehe… bakit ba lagging ganyan ang sinasabi sa mga messages?
Aba malay ko! Nakikiganyan din ako pero minsan naiisip ko na hindi kaya naiinis yung kausap ko kapag nakakakita siya ng “hehehe” sa binabasa niya? Hehehe (yan na naman!). Pero naisip ko rin na mas gusto ko na mabasa yan kaysa he3x (hahahaha!), LOLZ, lol, lmfao (nung una nahiwagaan pa ako jan!), at may mga nagtitipid na he2x lang ang nilalagay. Huuuwhaaaaatttt?! (teka nagtatanong ba ako o nagugulat?)

Bakit sa random category ako may pinakamaraming post? Isa nga ba akong random person?

Ay kabayo!
Totoo! Ang aga ko dumating sa trabaho nung isang araw. Pupungas-pungas pa ako nung umakyat ako sa unit ko. Naglalakad ako sa corridor ng pagliko ko ay nakita ko ang baklang katrabaho ko na humihikab habang naglalakad. Magugulatin talaga ako kaya napatili ako ng “Ay kabayo!” Bwahahaha! FYI, Pinoy ang majority ng mga katrabaho ko kaya naman naghagikgikan sila. I felt sorry for the guy gay kasi he was really pissed! Ang sa kin naman eh nagulat talaga ako.

What comes around, goes around…
Ilang oras bago magtapos ang shift ko, nadulas naman ako! Need I say more? Anong sinabi nung kabayo kong katrabaho — Ay kalabaw! Ang bruhang yun gumaganti! Kung alam ko lang eh sinadya nyang itapon yung tubig dun. Hahahaha nakakatawa naman talaga yung hitsura ko dun at hindi pa ako kagad makabangon dahil nanghihina ako kakatawa. Nakakatawa pa rin hanggang ngayon…

$19
Banas na banas ako nung isang araw sa bahay. Pambihira nagkaron ng virus ang laptop ko. Sa sobrang inis ko minabuti ko na lang na gumala-gala muna. Maglilibot sana ako around the island at magpunta sa mga museum at mga art gallery. Kaso nung tinignan ko ang laman ng bulsa ko Bus Pass lang ang laman at $19 na barya at tagda-dollar. Eh kulang pa yun sa entrance fee eh! Kaya yun minabuti ko na lang na bumalik sa bahay at harapin ang katotohanan na wala na ang ibang files ko sa computer… bwiset! Bulok na nga tinalaban pa ng virus… uso nga talaga ang flu ngayon.

May Friendster na ang nanay ko!
Seryoso! Nagulat na lang ako nung pagka-log in ko nakita ko yung mga Friend’s Update at nakita ko ang Ninang ko (na may Friendster din) na nag-add daw siya ng new friend at yun na nga ang nanay ko! At ito pa, hindi man lang ako ininvite! What the…. ganon na ba kauso ang friendster? Hindi na ako magugulat na kung sa susunod ay may Multiply na ang tatay ko.

Juice…
Nung nakaraang buwan ang init dito, sobra. Kaya naman bumili ako ng mga juice. May bisita kaming Bisaya nung isang araw. sa init, inutusan ko yung kapatid ko na magtimpla ng juice. Eh itong bisita namin nahihiya ata sabi niya siya na lang gagawa ng juice. Eh may iba’t ibang klaseng juice ang nasa kusina… may orange, apple, powdered juice at ibang nasa lata. Eh na-confuse ata kung anong titimplahin kaya tinanong niya ako, “Uy sis, ano ba titimplahin ko? Yung orends (orange), ixtra (extra), o yung nasa lata na lang?” Nagtaka ako kung bakit may iba siyang sinabi kaya tinanong ko na “Anu-ano yung mga sinabi mo?” Edi inulit niya at positive.. may binaggit siya na extra… Kaya tanong ko “Anong extra?” “Ito oh, yung nasa pakiti ba..” Pagkakita ko, hawak niya ang isang pakete ng Extra Joss… ayun eh! Joss nga naman…

Joke lang!

Sige balitaan ko na lang kayo sa susunod, inaantok na ako eh! 🙂

Posted in behavior, Blogging, kwento, Life, Love, random, Tagalog, Uncategorized, Weird | 1 Comment »

Pukpok Palayok

Posted by Indignus Vernula on July 11, 2007

Pukpok Palayok 

Hindi ko akalain na mayroon na ding pukpok palayok dito sa Hawaii.  Sabagay sa dami ba naman ng mga Filipino (Ilocanos to be exact) dito ay ano pa ba ang hindi nila nadala? Kalabaw kaya? Pero nakakatuwa makakita ulit no’n 😀 .  Papauwi kasi ako noong araw na yun galing sa trabaho tapos may children’s party sa kalapit bahay.  Parang nasa Pinas din talaga kasi may mga nagvivideoke, may nagtatagayan, hindi papahuli yung repolyong-may-nakatusok-na-hotdog-at-may-marshmallows-sa-dulo, mga nanay na nagkwekwentuhan at nagtsitsismisan, at syempre Pinoy games.  Minabuti ko na manuod na lang muna at magpalipas ng oras.  Buti na lang may bus stop sa tapat ng bahay nila kaya doon ko sila pinapanood.

Mga batang dito na ipinanganak ang mga kalahok sa games kaya naman hindi nila maunawaan ang pinagsasabi nung nageexplain.  So yun, sinabi na lang na parang “piñata” ito.   Ang piñata… pukpok palayok… saan ba sila galing?

Ang salitang “piñata” ay Spanish word na nagmula naman sa Italian word na “pignatta” na nangangahulugang “pinecone.”

Pinaghihinalaang nagsimula ang pag-iral nito noong 14th century sa China.  Ang mga magsasakang Intsik ay gumagamit ng mga naturang palayok na hugis hayop at nababalutan ng mga makukulay na papel para sa mabungang pagaani.  Pinaniniwalaan din na nung natuklasan ni Marco Polo ang tradisyong ito sa mga Tsekwa ay ibinalita niya ito sa mga Europeo noon ding 14th century.  Around 16th century, ang mga Kastilang missionaries naman ang nagpakilala nito sa mga Aztec Indians sa Mexico (hindi sa Pampanga ha..)  Ginamit pa nila ito sa mga ceremonies upang ma-convert ang mga Aztec sa Kristianismo.  Ginaamit ang piñata sa mga ritual gaya ng pagdating ng ulan, new year, pagcoconvert sa Kristianismo, pagaani, o ano kaya ay sa mga birthdays.  Kaya hindi naman lagi candy, barya, o pulbos ang laman ng palayok.  Naisip ko lang… kanino kaya natin namana ang pukpok palayok? Sa mga Intsik ba o sa mga Kastila.

Sa panahon natin ngayon, iilang bansa na lang ang gumagamit ng palayok.  Uso na kasi ang mga piñata na karton. Nakakatuwa ang mga hugis nito, may Dora, Superman, kabayo, star, at kung anu-ano pa.

piñata

Nakakatuwa maglaro nito.  Katunayan eh naiimagine ko ang mga itsura ng mga audience at ng pupukpok.  Hahaha!  Sige diretso. Kanan. Ay bobo.  Atras ng onte. Kaliwa.  Kanan! Kanan!  Sa dami ng mga direksyon ay malilito ka talaga.  Kaya naman kung anu-ano ang napupukpok… tapos yung itsura pa nung mga nagtuturo! Hahahaha! Sa mga games pag may party, sa totoo lang ito lang ang sinasalihan ko.  Dito ko kasi nagagamit ang laki ng katawan ko.  Pero di rin sapat ang laki ng katawan kasi kailangan mabilis ka din kundi basag na palayok lang makukuha mo.  O di kaya eh sugat.

***Kinuha ko lang sa internet ang picture ng pukpok palayok.  Salamat ha…

Posted in Blogging, kwento, Life, random, Tagalog, tradition, Uncategorized | Leave a Comment »

Life is more challenging after I suspect myself suffering from…

Posted by Indignus Vernula on June 24, 2007

Asthenopia.

Though still not confirmed by experts, I just knew I am suffering from asthenopia.

Asthenopia is an ophthalmological condition that manifests itself through nonspecific symptoms such as fatigue, red eyes, eye strain, pain in or around the eyes, blurred vision, headache and occasional double vision. Symptoms often occur after reading, computer work, or other activities that involve tedious visual tasks.

I started having those symptoms when I was in 5th Grade.  There were times I would think that life “sucks” because of that physical pain.  Mag-aabsent ako sa school o work dahil lang sa masakit ang palibot ng mata ko.  Isa na rin yan sa dahilan kung bakit mejo slow pace ang buhay ko.  My mom would always blame me whenever I said my vision is starting to blur.  She would always say “Magpuyat ka pa!” or “May mga libro pa ako dyan, gusto mo basahin?”  Siguro mejo namana ko din ang sarcasm niya.  And yes, I’m not wearing eyeglasses.  Minsan nabatukan na ako ng mama ko kasi kulang na lang ay maging magnet ang mata ko sa mga books.  Nearsightedness.  I sometimes think that I look funny in front of our TV or my computer.

Naiinis ako dati kasi may mga pagkakataon na I have to stop doing something kasi hindi na kaya ng mata ko.  Hindi rin ako makahilamos ng maigi minsan kasi takot na ako basain yung mata ko.  Natatakot ako. 

At times, I would touch my eyes and would feel pain.  Its like pressing your eyes hard, at the same time having headache.  Worse is my nose will bleed.  In addition to being anemic, this asthenopia thing would sometimes suck up my mornings.  I’ll just wake up one day shivering and sweating.  Don’t forget the headache.  Sometimes I think that its worse than asthenopia.

Those were my mornings.

Now, I still wake up shivering but without the fear.  Though I still have some (ano ba talaga bruha?).  I now sleep early and read under good lighting.  I’m still feeling those symptoms but I know that I’ll be fine.  I still haven’t talk to any doctors yet because I don’t have a medical insurance (or whatever you call it) and because I don’t have enough money. 

I thank God for everything.

Posted in behavior, Life, random, Tagalog | 2 Comments »

Chuvanes

Posted by Indignus Vernula on June 24, 2007

Minsan sa sobrang bilis ng mga pangyayare at masyado ka nang nadadala sa mga pangyayare ay nauubusan ka din ng sasabihin.  O di kaya’y sadyang tanga lang tayo?  Minsan mauutal mo na lang na “Yung chuvah kasi eh pinatulan pa!”. Pero naisip mo na ba kung saan nanggaling ang salitang “chuva” o “chorva”…. Hmmm napaisip ka ba?

CHORVA has its etymology from the Greek word “cheorvamus,” meaning “for lack of the right word to say,” or “in place of anything you want to express but cannot verbalize.” Ibig sabihin pala, siya ay parang “aloha” sa wikang Hawaiiano, which can mean many, many things such as “hello”, “love”, or “goodbye”.

“Chorva” can be used as:

Noun: “ano” / “kwan” / “or something”
Example:
“Ate Glow, kelan yung birthday chorvah ni Big Mike?”
“Hoy, Vicky to, whatcha gonna wear ba? The sporty or the Chinese chorva mo?”

Adjective: used if you want to be polite.
Example:
“Ang chorva naman niyan!”
(So, ano ba? Pangit ba o maganda? Baduy ba or maarte? They will never know what you really mean.)

Verb: can replace any verb
Example:
Chorva lang ng chorva!” (ang kulet nito!)

“Chorva” is such an amazing word; it lets you choose your own adventure. At least, you will never be accused of putting words in somebody else’s mouth. If you don’t have anything to say, or you can’t find the right word to say, or you want to say something but you don’t know how to say it, just say CHORVA! 🙂

Variations: chuva, chenes, chenelyn, etchos, chuvanes, charosss!

***This is just a repost. May mga idinagdag lang ako. If you are the original author of the article, please let me know kasi pinasaya mo ako. Chuva ka! 😀

Posted in Blogging, Tagalog | Leave a Comment »

Tulog sa Larawan

Posted by Indignus Vernula on June 19, 2007

Isang maiksing blog….

Sana 😀

Hindi naman maaalis sa pikchuran ang mga taong kakaiba. May nakatunganga, may mga hindi nakatingin sa camera, may mga tinulak, may mga napilitan, may mga pakyut at may mga sadyang kyut, at syempre… mga nakapikit sa pictures!

Kahit saan laganap yan, as in sa buong mundo!  Ewan ko ba… I just want this to get out of my chest.  Nasisilaw ba sila sa flash ng camera? Masyado ba maliwanag? Puyat ba sila? O trip lang talaga nila?

Diba nakakainis yung ganun? Lets say ikaw yung nakapikit sa picture! Then lets say prom niyo… ang saklap diba? Suot mo ay purmal, tapos nakapikit sa picture.  Ganun din sa mga class pictures.  As in kahit saan.

 What’s my point? Wala.

Kung bakit ba naman kasi nagpahuli ka? Bumibilang naman ng 1-2-3 yung kumukuha ng picture pero bakit nakapikit ka pa din? Ang masama ay nakuhaan ka pa na nagpapapula ng labi.  Ang panget nun~ dyahe!!! Nakapikit ka na nagpapakyut ka pa!  

Posted in Blogging, Life, Tagalog | Leave a Comment »